Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng pagtama ng hanging habagat at magkakasunod na bagyong Ferdie, Gener, at Helen.
Ayon sa DSWD, umakyat na sa higit sa 356,000 na pamilya o katumbas ng 1.2 milyong indibidwal ang apektado ng mga pag-ulan at pagbaha.
Sa ngayon, nasa 12 rehiyon sa bansa ang pinaka-apektado kabilang ang Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, at BARMM.
Kasunod nito, ang patuloy na pagpapaabot din ng DSWD ng tulong sa mga rehiyong apektado ng kalamidad.
As of September 18, sumampa na rin sa ₱30.7-milyong halaga ng humanitarian assistance ang naihatid nito.
Nananatili ring available ang higit dalawang bilyong pondo ng ahensya para umagapay sakaling madagdagan ang apektado ng kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa