Mga ari-arian ni Alice Guo na pina-freeze ng AMLC, nasa higit ₱700-M ang halaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa halos walong daang milyong piso ang kabuuang halaga ng mga asset ni Alice Guo na sakop ng Freeze Order ng Anti Money Laundering Council (AMLC).

Ito ang ibinahagi ni House Appropriations Committee Vice-Chair Jil Bongalon sa pagsalang ng panukalang budget ng AMLC sa plenaryo.

Sakop aniya ng Freeze Order ng AMLC ang mga bank accounts na nagkakahalaga ng ₱199,770,087; real properties na may halagang ₱478,308,158; at motor vehicles na nagkakahalahaga ng ₱76,388,200.

Ang Freeze Order, ani Bongalon, ay tatagal ng hanggang January 10, 2025.

Kinumpirma rin ng budget sponsor ng AMLC na nakakita ang ahensya ng sapat na batayan para imbestigahan ang mga POGO dahil sa money laundering.

Katunayan may mga gumugulong na aniyang imbestigasyon at mayroon na ring mga nasampahan ng kaso.

Nito lamang Agosto sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng 87 counts ng money laundering si Guo at 35 iba pa kaugnay sa operasyon ng iligal na POGO.

“Yes, there are charges in connection with POGO and also there are ongoing investigations also and compliance examinations on POGO are being conducted also by PAGCOR to determine their compliance with AMLC,” ani Bongalon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us