Nanumpa sa puwesto ang 130 mga bagong opisyal at tauhan ng Department of Migrant Workers (DMW) ngayong araw.
Ang seremonya ay ginanap sa DMW Central Office sa Mandaluyong City na pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac.
Sa kanyang talumpati, hinimok ni Cacdac ang mga bagong nanumpang kawani na ilaan ang kanilang sarili sa paglilingkod sa bawat overseas Filipino worker (OFW) at kanilang mga pamilya.
Binigyang-diin ng kalihim na ang kanilang dedikasyon ay magiging malaking kontribusyon sa sosyal at ekonomikong pagbabago ng bansa.
Ipinaalala rin ni Cacdac sa kanila na panatilihin ang mataas na pamantayan at integridad sa serbisyo publiko. | ulat ni Diane Lear