Mga barko ng China sa West Philippine Sea, nabawasan — AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nabawasan ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y ayon sa datos ng AFP mula September 10 hanggang 16 ng taong kasalukuyan kung saan, humigit kumulang 50 mga barko ng China ang nabawas.

Mula kasi sa dating 207 na naitala mula September 3 hanggang 9 ay nasa 157 na lamang ito ngayon.

Sa nabanggit na bilang ayon sa AFP, 123 dito ang Chinese Maritime Militia Vessels, pito ang mula sa People’s Liberation Army Navy (PLAN), at 26 dito ang Chinese Coast Guard vessels.

Partikular na nakapuwesto ang mga barko ng China sa mga features na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) gaya ng Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Island, Lawak Island, Panata Island, Sabina Shoal, at Iroquis Reef.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us