Mga estudyanteng makikibahagi sa PISA sa susunod na taon, tututukan ng DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bibigyan ng special attention ng Department of Education (DepEd) ang mga estudyanteng magiging bahagi ng Programme for International Student Assessment (PISA) sa susunod na taon.

sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance sa panukalang 2025 budget ng DepEd, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na bahagi ito ng pagtugon nila sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagandahin ang ranking ng Pilipinas sa PISA.

Ayon kay Angara, base sa sinusunod nilang 2025 PISA Readiness Plan ay bibigyan nila ng kinakailangang resources ang mga estudyanteng makikibahagi sa PISA.

Kabilang na dito ang pagbibigay sa kanila ng kakailanganin nilang nutrisyon, special class, review class, at digital assistance para maging pamilyar ang mga ito sa paggamit ng mga computer sa pagkuha ng exam.

Sa ngayon, natukoy na aniya ng ahensya ang nasa 1.6 million na estudyanteng mula Grade 7 to 10 na maaaring makasama sa PISA sa March 2025.

Sinabi ni Angara na inaasahang sa Enero 2025 ay malalaman ang 150 public schools kung saan manggagaling ang mga PISA takers at sa Pebrero naman matutukoy ang 7,000 students na kukuha ng PISA.

Matatandaang sa 2022 PISA result, pumang-anim ang Pilipinas sa mga bansang nakakuha ng pinakamababang marka pagdating sa Mathematics, Science, at Reading. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us