Mga evacuee sa Cainta at Antipolo City, hinatiran na ng tulong ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang patid na ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga sinalanta ng bagyong Enteng at Habagat.

Sa ulat ng DSWD Field Office-CALABARZON, may 198 pamilya o 857 indibidwal sa Kabisig Elementary School sa Barangay San Andres sa Cainta, Rizal ang hinatiran ng family food packs ngayong araw.

Ang pamamahagi ng food packs ay kasabay ng pagbisita ni DSWD Secretary Rex Gatchalian para tingnan ang kalagayan ng evacuees.

Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development

Nauna nang binisita ng kalihim ang evacuation center sa Antipolo City at pinangunahan ang pamamahagi ng relief at financial aid sa evacuees.

Nasa 107 pamilya o 369 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa Jesus S. Cabarus Elementary School sa Barangay San Jose, Antipolo City.

Bukod sa pinamigay na food packs, binigyan din ng P10,000 financial aid ang mga pamilya sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us