Photo courtesy of Presidential Communications Office
Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamahalaan ng Korea at Korea Export-Import Bank (Korea EXIM Bank) sa commitment nitong maging bahagi ng pag-unlad ng Pilipinas.
“As we celebrate this feat, let us remember that the Panguil Bay Bridge is indeed the foundation on which we can build more bridges— bridges that connect not just places but connects opportunities and communities. Let us make this success a launchpad for further development to ensure that this project opens new doors to progress and prosperity,” — Pangulong Marcos Jr.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa inagurasyon ng Panguil Bay Bridge na kokonekta sa Tubod, Lanao del Norte at Tangub City, Misamis Occidental sa Northern Mindanao.
“The bridge is a gateway to a world where distance no longer limits dreams, where aspirations can take flight, and where the ambitions of entrepreneurs fuel growth and prosperity. This achievement reflects our collective strength and manifest our continuing determination,” — Pangulong Marcos Jr.
Ayon sa Pangulo, malaki ang ginampanang papel ng kanilang suporta upang magkatotoo ang proyektong ito na matagal nang pinapangarap ng mga residente sa lugar.
Sa pamamagitan ng higit 3.1 kilometer project na ito, ang dating dalawang oras na biyahe ay bababa na sa pitong minuto, at inaasahan na nasa 10,000 biyahero ang makikinabang kada araw.
“It is just the beginning. We are building a Bagong Pilipinas — one where every Filipino, no matter how far, no matter how remote, is somehow connected. Together, we will welcome the dawn of a future where every dream has the wings to soar, every entrepreneur has a path to success, and every child can aspire to greatness without the burden of travel and long distances, ” — Pangulong Marcos Jr.
Sabi pa ng Pangulo, hindi lamang ang proyektong ito ang pinagtutulungan ng Pilipinas at Korea sa kasalukuyan.
Katunayan, mayroong 21 proyekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang ongoing na habang dalawa pa ang sisimulan.
“And some of these are the biggest projects and that is how involved and how much the Economic Development Cooperation Fund of Korea has been part of all our development programs and all our aspirations for making our people live in a much safer, much more efficient and much more helpful lifestyle, ” — Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan