Positibo ang Subic Bay Metropolitan Authority na darami ang Australian investors sa freeport kasunod ng katatapos lamang na Australia Inbound Mission sa bansa.
Ayon kay Chamber of Commerce and Industry Autralia-Philippines President Conniee De Cunha, tinitingnan na ngayon ng Australian companies ang posibleng pamumuhunan at kalakalan sa lugar.
Iprinesenta ni SBMA Chairperson at Administrator Eduardo Alino ang ‘diverse capabilities’ ng kanilang ecozone gaya ng shipping, tourism, renewable energy at manufacturing.
Pinatunayan naman ng DBA Global, isang Australian company na ngayon ay nasa freeport ang kanilang karanasan sa pagnenegosyo sa freeport zone na isa sa maituturing na ‘fastest growing business hubs’ sa PIlipinas.
Ayon kay DBA Global President Darlow Parazo, taglay ng SBMA ang “exceptional environment” para sa negosyo at kapasidad nito para sa pagpapalawak ng operasyon sa Southeast Asia.
Maging ang Subic Bay Taiwan Freeport Chamber of Commerce ay nagbahagi ng kanilang karanasan gaya ng perks, benefits at suporta na kanilang natatanggap sa SBMA. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes
