Nagsibalikan na sa kanilang mga tahanan ang mga nagsilikas sa pamilya sa mga evacuation center sa Marikina City kahapon.
Ito ay matapos na magpatupad ng pre-emptive evacuation ang Marikina LGU matapos na umabot sa ikalawang alarma ang Marikina River dahil sa magdamag na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong #EntengPH.
Sa datos ng Marikina City Rescue 161, umabot sa mahigit 3,000 mga pamilya o mahigit 14,000 sa mga indibidwal ang nagsilikas sa mga evacuation center.
Samantala, bumaba na rin nang tuluyan ang antas ng tubig sa Marikina River na nasa 14.3 meters na lang as of 7 PM.| ulat ni Diane Lear