Mga nagtitinda ng baboy sa Agora Market sa San Juan City, umaasang sisigla muli ang bentahan ng kanilang produkto ngayong gumugulong ang bakunahan vs. ASF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang mga nagtitinda ng baboy sa Agora Public Market sa Lungsod ng San Juan na sisigla nang muli ang bentahan ng karne ng baboy sa mga susunod na buwan lalo’t pumasok na ang “Ber months.”

Ayon sa mga nagtitindang nakapanayam ng Radyo Pilipinas, ito ay dahil sa gumugulong na ang bakunahan kontra African Swine Fever (ASF) sa mga apektadong lugar gaya ng Lobo sa Batangas.

Anila, nananatiling matumal pa sa ngayon ang bentahan ng karne ng baboy bagaman bumalik na sa ₱320 ang kada kilo ng kasim habang ₱370 naman ang kada kilo ng liempo.

Dahil pa rin sa problema sa ASF, sinabi ng mga nagtitinda na sa ibang lugar muna sila humahango ng kanilang suplay gaya ng Bulacan at Tarlac.

Magugunitang nanawagan ang Pork Producers Federation of the Philippines (PPFP) sa Food and Drugs Administration (FDA) na aprubahan na ang commercial use ng bakuna kontra ASF. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us