Binigyang diin ni Speaker Martin Romualdez ang pagiging sagrado ng bawat sentimo ng pambansang pondo.
Kaya titiyakin ng Kamara na ito’y magagamit sa tunay na kapakanan ng taumbayan kasabay ng pagsisimula ng deliberasyon sa plenaryo ng House Bill 10800 o P6.352 trillion 2025 General Appropriations Bill.
Paalala niya na hindi lang ito basta financial document ngunit magsisilbing pundasyon ng pagpapatakbo ng gobyerno.
Ipinaalala din niya na bilang mga mambabatas, hindi lang sila basta tagabantay ng pera ng bayan ngunit pinagkalooban din ng tiwala ng publiko kaya marapat lang aniya na masigurong tamang magagastos ang pambansang budget,
Bumuwelta rin ang House leader mga bumabatikos at naninira sa Kongreso lalo na pagdating sa kanilang pagkilatais sa national budget.
“..we cannot ignore the reality that there are those who seek to undermine our work — critics who speak of accountability while conveniently ignoring their own misuse of public funds. To these individuals, I say: let us be clear — this chamber will not tolerate hypocrisy nor will it stand idle in the face of such blatant disregard for public trust. Hindi maaaring magturo ng daliri ang mga may sariling kasalanan. Sa harap ng kongreso, lahat ay dadaan sa tamang proseso, at walang makakatakas sa pananagutan.” Giit niya
Sabi pa niya na walang pinapaboran ang Kamara at hindi rin aniya nagpapadala sa pressure para sa mga may pansariling interes.
Bilang boses at mata ng taumbayan, sila aniya ang magbabantay laban sa pag-abuso at korapsyon.
“Ang pera ng bayan ay hindi para sa pansariling pakinabang ng iilan. Tungkulin natin bilang mga kinatawan na tiyakin na bawat piso ay para sa pag-unlad at kapakanan ng ating mga kababayan..we remain vigilant in upholding the principles of good governance and fiscal responsibility. The eyes of the nation are on us, and we will not fail them.” Aniya pa. | ulat ni Kathleen Forbes