Mga opisyal o kawani ng gobyerno na biglang mawawala matapos maaresto si Alice Guo, dapat bantayan ng mga otoridad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat nang bantayan ng Department of Justice (DOJ) ang mga opisyal o kawani ng pamahalaan na bigla na lamang mawawala matapos maaresto si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay ni Quezon Third District Representative Reynan Arrogancia, dapat maging alerto ang DOJ laban sa mga personnel na kaduda-duda ang paghahain ng leave o pagre-resign.

Sila aniya kasi ay maituturing na persons of interest na maaaring sangkot sa pagpapatakas kay Guo.

Babala pa ni Arrogancia sa mga tumulong kay Guo na makatakas, na kahit magbitiw sila sa puwesto ay tiyak na pananagutin sila ng Kongreso at DOJ.

Hindi naman pabor si Arrogancia na gawing state witness si Guo.

Giit niya hindi “least guilty” si Guo sa mga kasong may kinalaman sa money laundering, human trafficking at illegal POGO operations kaya’t hindi ito papasa sa pagiging state witness. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us