Mga ospital na libre ang hospital bill ngayong ika-67 kaarawan ni PBBM, inilabas na ng DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga ospital na libre ang hospital bill ngayong ika-67 taon ng Kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa Metro Manila kabilang ang Philippine General Hospital, Philippine Orthopedic Center, Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, Jose R. Reyes Memorial Hospital at East Avenue Medical Center.

Habang sa Luzon naman ang Ilocos Training and Regional Medical Center, Cagayan Valley Medical Center, Bicol Medical Center, Batangas Medical Center, Batanes General Hospital, at ang Dr. Paulino J. Garcia Memorial Medical Center.

Sa Visayas naman kabilang ang Vicente Sotto Memorial Hospital, Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital, at ang Eastern Visayas Regional Medical Center.

Samantalang sa Mindanao naman ang Amai Pakpak Medical Center, Davao Regional Medical Center, Cotabato Regional Medical Center, Mayor Hilarion Ramiro Sr. Medical Center, at Zamboanga City Medical Center.

Ang mga proseso naman para makakuha ng libreng hospitalization ay ang pasyente ay isasalang sa interview ng Medical Social Services (MSS) na nasa hospital at pagkatapos ng MSS assessment and evaluation, ang medical assistance ay ibibigay sa pamamagitan ng DOH Medical Assistance sa ilalim ng Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program.

Ang mga libreng medical services na ibibigay sa mga pasyente ngayong araw ay ang hospitals bills kung saan kasama ang drugs and medicine, laboratory and diagnostic procedures; dental services; implants; therapy at rehabilitative services; chemotherapy; at dialysis. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us