Maaga pa lang ay naghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagsapit ng Christmas rush.
Ayon sa MMDA, ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista sa Kamaynilaan na magreresulta naman sa napakabigat na daloy ng trapiko.
Ayon kay MMDA Chairperson, Atty. Don Artes, bagaman usual routine na kung ituring ang mga ginagawa nilang hakbang, kailangan pa rin nila itong tingnan upang i-adjust kung kinakailangan.
Kabilang dito ang pagbabawal sa mga excavation sa mga pangunahing lansangan, regulasyon sa repair works, maging ang pagpapatupad ng adjusted mall hours.
Inaasahang ilalabas ang guidelines para sa taong ito bago matapos ang Oktubre o bago mag-Undas. | ulat ni Jaymark Dagala