Mga pamilyang nasunugan at naapektuhan ng Bagyong Carina sa Bacoor City, pinagkalooban ng tulong pinansyal ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na pinuntahan at binigyan ng tulong pinansyal ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga pamilyang nasunugan at sinalanta ng Bagyong Carina sa Bacoor City, Cavite.

Aabot sa 1,495 pamilya ang pinagkalooban ng tig-₱10,140 bawat isa sa ilalim ng emergency cash transfer assistance program ng DSWD.

Tinutukan ni Gatchalian ang pamamahagi ng tulong alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Bilang karagdagan sa ibinigay na tulong pinansyal, namahagi din ang DSWD Field Office CALABARZON, ng mga food and non-food items na nagkakahalaga ng ₱10,920,460.

Pagtiyak pa ng kalihim na patuloy ang ahensya sa pakikipagtulungan sa Bacoor local government unit upang mabibigyan pa ng nararapat na tulong ang mga apektadong pamilya para sa araw araw na pangangailangan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us