Mga POGO hub, iminungkahi na gamitin bilang student dorms

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni House Deputy Majority Leader Janette Garin na magamit ang mga ni-raid na POGO hubs bilang dormitories ng mga estudyante.

Sa pagtalakay sa panukalang pondo ng Commission on Higher Education (CHED) at state universities and colleges sa plernaryo natalakay ang usapin ng mga hamon na kinakaharap ng mga estudyante dahilan para sila ay mag-drop out o huminto sa pag-aaral.

Isa sa ma natukoy ang economic challenges at dagdag na gastusin gaya na lang ng dormitories.

“Actually ang isang pinaka-challenging na gastusin ng isang estudyante ay ‘yung boarding house, ‘yung dormitory, especially so that this is mostly provided by the private sector and hindi nakokontrol ‘yung presyo, ‘yung bayarin,” sabi ng Iloilo First District Representative.

Kaya naman mungkahi niya, oras na makuha ng gobyerno sa naturang mga POGO hub ay maipagamit ito bilang dormitoryo o kaya ay extension campus para naman mabawasan ang gastos ng mga mag-aaral.

“At the appropriate time, Madam Speaker, it’s not applicable all over the country, but for Region 3, napakaganda talaga na ‘yung mga POGO hub, na mga scam hub na na-discover ay makuha ng gobyerno at gawing extension campuses as well as dormitories ng ating karapat-dapat na estudyante,” ani Garin.

Batay sa isinagawang pag-aaral ng CHED sa Region 1, 8, at 12, lumalabas na ang pangunahing mga rason sa atrition o drop out ang economic difficulties, family problems, relocation, medical and mental health concern, at academic difficulties. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us