Inilabas na ng Civil Service Commission (CSC) ang listahan ng mga pumasa sa Basic Competency on Local Treasury Examination (BCLTE), Fire Officer Examination (FOE) at Penology Officer Examination (POE) na ginanap noong Hunyo 2, 2024.
Sa kabuuang 8,493 examinee na pumasa sa pagsusulit, 938 dito ay para sa BCLTE, 5,566 para sa FOE, at 1,989 para sa POE.
Ang mga pumasa, ay kumakatawan sa 11.09 %, 65.54 % at 23.43 % ng kabuuang bilang ng examinees para sa bawat kaukulang pagsusulit.
Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, pinakamaraming bilang ng mga pumasa sa Fire Officer at BCLTE ay mula sa Southern Tagalog, na abot sa 11.30 %at 13.33 %, ayon sa pagkakasunod habang 16.39% ng mga pumasa sa POE ay mula sa National Capital Region. | ulat ni Rey Ferrer