Mga senador, inasahan nang di tugma ang pirma ni dating Mayor Alice Guo sa pirmang nasa counter affidavit nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na ikinagulat ng mga senador ang naging findings ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa hindi magkatugma na pirma ni dating Mayor Alice Guo at sa pirmang nasa counter affidavit nito.

Ayon kay Senate Committee on Women Chairperson Senador Risa Hontiveros, professional scam artist si Guo at nakabase ang buong pagkatao nito sa kasinungalingan.

Dagdag lang aniya ito sa patong-patong nang kasinungalingan ng dating alkalde.

Pero maliban kay Guo, mananagot rin dito ang kanyang abogado na una nang nanindigan sa pagdinig ng Senado na pirmado na ang counter affidavit bago pa man lumabas ng bansa si Guo.

Inasahan na rin ni Senador Joel Villanueva na hindi totoo ang pirma sa counter affidavit ni dating Mayor Alice.

Giit ni Villanueva, ano pa ba ang aasahan sa mga kriminal na nagsisinungaling na mula pa umpisa.

Nanindigan rin ang senador na panahon nang panagutin sa batas si Guo at lahat ng mga kasabwat niya. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us