Mga senador, pinuri ang pagkakaaresto kay dating Mayor Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ng mga senador ang pagkakahuli kay dating Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping sa Indonesia.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, sa pamamagitan nito ay mapapanagot na si Guo at mabibigyan na nito ng linaw ang operasyon ng mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Nagpasalamat naman si Senador Sherwin Gatchalian sa law enforcement agencies ng Pilipinas at ng Indonesia, sa matagumpay na pag aresto kay Guo at sa kanyang mga kasama.

Giniit ni Gatchalian, na kailangan nang panagutan ni Guo ang mga kinakaharap nitong kaso gaya ng human trafficking, money laundering, quo warranto, paglabag sa utos ng senado at iba pa.

Dapat na din aniya itong dalhin sa senado matapos maproseso sa NBI at Bureau of Immigration, dahil ang senado lang ang may warrant of arrest laban sa kanya.

Inaasahan rin ni Senate Committee on Women Chairperson Senator Risa Hontiveros ang pagharap ni Guo sa pagdinig ng senado, na nakatakda bukas.

Binigyang-diin ni Hontiveros, na hindi rin nila tatantanan ang mga tumulong kay Guo na tumakas at makalabas ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us