Bukas na rin sa publiko tuwing Sabado ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila para sa iba’t ibang transaksyon.
Sa abiso ng LTO-NCR, kabilang dito ang kanilang 24 na District at Extension Offices at 11 Licensing Center sa buong Metro Manila ay binuksan na rin sa publiko.
Layunin ng programa na mapagsilbihan ang mga kliyente ng LTO na Sabado lang may libreng panahon para sa transaksyon.
Ang pagbubukas ng tanggapan ng LTO sa NCR ay sinimulan mula kahapon, Agosto 31. | ulat ni Rey Ferrer