Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa maayos na kalagayan ang mga sundalong nakahimpil sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal.
Ito ang tinuran ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad matapos makaranas ng gutom at pagkakasakit ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard sa BRP Teresa Magbanua.
Ayon kay Trinidad, sa ngayon ay may sapat na suplay ng pagkain, tubig, at gamot ang mga tropa sa BRP Sierra Madre gayundin ay masigla at mataas ang morale ng mga ito.
Samantala, tumanggi nang magbigay ng detalye si Trinidad kung kailan ang susunod na Rotation and Re-supply (RoRe) mission dahil ito’y nasa ilalim na ng hurisdiksyon ng AFP Western Command. | ulat ni Jaymark Dagala