Nakaantabay ang mga tauhan ng QC Police District (QCPD) at Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa mga kalsada sa lungsod sa pagsisimula ng transport strike ng grupong MANIBELA at PISTON.
Ayon sa QC LGU, nasa 94 buses ng Q City Bus libreng sakay ang nakadeploy ngayong araw para sa mga pasahero na posibleng maapektuhan ng tigil pasada.
Nakahanda rin ang e-trikes, QC-owned vehicles, at barangay vehicles ng lungsod para alalayan ang mga commuter.
Ang mga tauhan naman ng QC TTMD, nakatutok na rin sa mga pangunahing kalsada para gabayan ang mga motorista at pasahero na posibleng maapektuhan ng mga aktibidad sa transport strike. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸 QC LGU