Lalong nag-aalab ang pagmamahal sa bayan ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng sunod-sunod na insidente ng pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla matapos ang huling insidente sa Escoda Shoal noong Sabado kung saan 3 beses binangga ng Chinese Coast Guard Vessel ang Philippine Coast Guard Vessel BRP Teresa Magbanua.
Ayon kay Padilla, sa gitna ng mga kaganapang ito ay lalong tumitindi ang “will go fight” ng mga sundalo para ipagtanggol ang karapatan ng bansa.
Sa katunatan aniya ay mataas ang morale ng mga sundalo at marami sa mga naka-detail sa iba’t ibang lugar ang handang magpa-assign sa frontline sa WPS.
Nagpahayag din ng kasiyahan si Padilla sa suporta ng mga mamamayan sa AFP, base sa huling survey ng Octa Research kung saan 8 sa 10 Pilipino ang handang makipaglaban kasama ang AFP, at 7 sa 10 ang nagpahayag ng pagtitiwala sa Sandatahang Lakas. | ulat ni Leo Sarne