Posibleng isa si Huang Zhiyang sa mga tumulong kay dating Mayor Alice Guo na makatakas papalabas ng Pilipinas ayon kina Senador Sherwin Gatchalian at PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz.
Ayon kay Cruz, si Huang ang tinuturing na isa sa mga boss ng mga POGO na sangkot sa iba’t ibang kriminal na aktibidad.
Sa impormasyon ng opisyal, isa ito sa mga tumulong kay Guo noong panahong palipat-lipat ito iba’t ibang bansa sa ASEAN nang makalabas ng Pilipinas.
Sa impormasyon naman ni Senador Sherwin Gatchalian, mula sa taiwan ay nakalipat na sa Hong Kong si Huang.
Kasama si Huang sa mga nasampahan na ng kasong qualified trafficking ng PAOCC
Kaya naman sa ngayon ay umaasa si Cruz at si Gatchalian na makakapaglabas na ng warrant of arrest laban kay Huang para maitembre na rin nila ito sa interpol at magkaroon na ito ng red notice.
Maliban kay Huang, sinabi rin ni Gatchalian na ilan pa sa mga posibleng tumulong sa kay Alice Guo na makalabas ng Pilipinas si Duarren Wu na top executive ng Whirlwind Corporation na nagparenta ng lupa sa POGO hub sa Porac POGO hub.
Kasama rin aniya sa mga lumalabas na dokumento si Zhang Jie na President ng Lucky South 99.
Sila aniya ang nag-book ng mga hotel, nag-facilitate ng mga biyahe at may contact sa ground na pinuntahan nina Guo kasama ang Malaysia, Indonesia at Singapore. | ulat ni Nimfa Asuncion