Naglabas ng anunsyo ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa mga kanselasyon ng flights ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa MIAA, kanselado ang apat na byahe ngayong araw dahil sa masamang panahon.
Kabilang sa mga kanseladong flights ngayong araw ay ang
Cebu Pacific Air (5J)
5J 373/374 Manila-Roxas-Manila
CebGo (DG)
DG 6031/6032 Manila-San Jose (Mindoro)-Manila
Payo ng MIAA sa mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline companies para sa mga bagong schedule ng mga cancelled flights. | ulat ni Lorenz Tanjoco