Nanawagan si House Deputy Minority at Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Kongreso na ikonsidera ang budget ng Mindanao Development Authority o MinDA.
Sa plenary deliberation ng P267 million na budget ng MinDA, sinabi ni Hataman na hiniling nito na maibalik ang panukalang P735 million na budget ng ahensya dahil makatutulong ito sa buong isla ng Mindanao.
Kung hindi man aniya maibigay ang hiling na budget ay maski iparehas na lamang ito sa 2024 General Appropriations Act budget na nasa P313 million.
Samantala, pinagsusumite din ng Basilan Solon ang MinDA ng kanilang nakalinyang programa at proyekto para sa Sulu at ang kaakibat na budget na nakalaan para sa probinsya.
Ito ay upang matiyak na hindi maiiwan ang probinsya sa pag-unlad kasunod ng desisyon ng Korte Supreme na nagdedeklara na hindi bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. | ulat ni Melany Valdoz Reyes