Pinuri ni Minority leader Marcelino Libanan ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso sa kanilang ipinamalas na kasipagan sa paghimay at pagbusisi ng panukalang P6.352 trillion budget.
Sa kanyang Turno en Kontra, pinasalamatan nito ang mga miyembro ng minority na masigasig sa pagtatatanong sa budget ng mga ahensya ng gobiyerno.
Kinilala din ng House leader ang pasensya ng mga miyembro ng majority sa kanilang pagdepensa ng hiling na budget ng government agencies.
Aniya, tinapos nila ang pagtalakay sa plenaryong ng House Bill 10800 o 2025 General Appropriation Bill sa loob lamang ng walong araw.
Diin ni Libanan ginampanan ng Kamara ang kanilang tungkulin na matiyak na mailalaan ang nararapat na pondo ng gobiyerno.| ulat ni Melany V. Reyes