Pinasisiguro ngayon ni House Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas para sa isang kagyat, independent at transparent na imbestigasyon sa pagtakas ni dismissed Bamban Tarlace Mayor Alice Guo.
Kasunod ito ng pagkaka-aresto ni Guo sa Indonesia ngayong araw.
Ayon kay Brosas dapat mapanagot ang mga opisyal na nagpalusot kay Guo gayundin ang mga nagpabaya sa paglipana ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga POGO.
Sabi pa ni Brosas ang mga kaso ng human trafficking, partikular sa mga POGO sa Bamban, ay patunay na dapat ng buwagin ang mga operasyon nito sa bansa.
Kasabay nito ay nanawagan ang mambabatas na aksyunan ang inihaing panukala na Anti-Pogo Act para tuluyan nang ipagbawal ang operasyon ng mga POGO.
Hiling din ng lady solon na protektahan at bigyang suporta ang mga biktima ng human trafficking at mga inabuso ng mga POGO. | ulat ni Kathleen Forbes