Nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ang iba’t ibang Lokalidad gayundin ang mga ahensya ng Pamahalaan.
Ito’y sa isinagawang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting kung saan, tinalakay ang kahandaan ng Pamahalaan sa tuwing sumasapit ang panahon ng kalamidad.
Tinalakay din ang rekumendasyon ng mga Lokal na Pamahalaan sa PAGASA-DOST hinggil sa pagpapalabas ng ulat panahon tuwing alas-3:30 ng umaga upang makapaglatag ng maagang pagpapasya hinggil sa suspensyon ng klase sa Paaralan at trabaho.
Dito, pinagtibay din ang pagbuo ng Regional Food Management Plan kasabay ng pagbalangkas ng Regional Drainage Master Plan at iba pang Flood Control Infrastructure sa National Capital Region.
Napag-usapan din sa pulong ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na naktakda sa Setyembre a-26. | ulat ni Jaymark Dagala