Pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magmomodernisa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa ilalim ng House Bill 10730 o PHIVOLCS Modernization Act, palalakasin ang kapasidad ng ahensya na rumesponde sa natural hazards, partikular ang pagbabantay sa seismic at volcanic activities.
Ipinunto ng mga mambabatas na sa kabila ng 24 na aktibong bulkan sa Pilipinas, 10 lamang dito ang namo-monitor at dalawa lang ang may kumpletong monitoring equipment.
Bahagi rin ng modernisasyon ng PHIVOLCS ang pagdaragdag ng tauhan nito at pondo pambili ng mga monitoring at warning equipment upang mas maintindihan ang lindol at bulkan at ang pagpapalawak ng seismic stations.
Dagdag pa ng mga kinatawan ng kapulungan na kritikal na mapalakas ang disaster resilience ng bansa lalo at nananatili pa rin ang banta ng “The Big One.” | ulat ni Kathleen Jean Forbes