Muntinlupa LGU, nagkansela na ng pasok ng kanilamg mga empleyado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinansela na ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang pasok ng mga empleyado nito sa City Hall dahil sa epekto ng bagyo na nagdulot ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Lungsod ng Muntinlupa.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, ang mga opisina na may kinalaman sa pagtugon sa mga emergencies ay mananatiling “on duty” para rumesponde sa mga nangangailangan ng rescue, medical emergency, o pananatili ng peace and order.

Kaugnay nito ay hinimok din ng pamahalaang lungsod na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan ang sino mang nangangailangan ng tulong.

Para aniya sa tulong medikal ay maaring magtungo sa pinakamalapit na Healt Center sa kanilang mga lugar at para sa iba pang emergencies ay maaring tumawag sa mga Muntinlupa Emergency Hotline Numbers:
📞 137-175
☎️ 8373-5165
📱 0921-542-7123
📱 0927-257-9322

I-download ang iRespond app para sa agarang emergency and assistance.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us