Patuloy sa paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya buhat ng pag-iral ng bagyong Enteng at habagat.
Sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, umakyat na sa halos ₱70-million ang halaga ng relief assistance na naipamahagi sa mga apektadong residente.
Kasama rito ang family food packs at non-food items partikular sa mga pamilyang nakatira sa evacuation centers.
Sa kasalukuyan naman ay sumampa pa sa 454,000 pamilya na o katumbas ng 1.7-milyong indibidwal ang apektado ng bagyong Enteng at habagat sa 10 rehiyon sa bansa.
Mula rito, higit 18,000 pamilya pa o katumbas ng 73,000 indibidwal ang nananatili pa sa evacuation centers. | ulat ni Merry Ann Bastasa