Umabot sa 61 na mga motorista ang natiketan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force sa isinagawang operasyon kontra illegal parking sa Mabuhay Lanes.
Layon ng operasyong ito na alisin ang mga sagabal sa mga pangunahing kalsada at Mabuhay Lanes na alternatibong ruta ng mga motorista.
Ayon sa MMDA, bukod sa mga tinikitan, nasa 12 sasakyan din ang hinatak at dinala sa MMDA impounding area sa Tumana, Marikina.
Kabilang sa mga lugar na sinuyod ng MMDA ay ang Macapagal Blvd., Buendia, Andrews Ave., Aurora Blvd., EDSA sa Pasay, PITX Macapagal, at NAIA Road.
Patuloy ang paalala ng MMDA sa mga motorista na sumunod sa batas-trapiko at iwasan ang ilegal na pagparada.| ulat ni Diane Lear