Umakyat na sa P2.4 million ang halaga ng iniwang pinsala ng habagat, bagyong Ferdie at Gener sa bansa sa imprastrukta sa bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Office of Civil Defense Director Edgar Posadas na ang mga naitalang pinsala na ito ay mula sa Region VI at Region X.
“Sa latest po natin na ulat, ng NDRRMC, ito po ay combined effect nga po ng Habagat at ng Bagyong Ferdie and Gener. Hindi pa po kasama dito itong si Bagyong Helen, mayroon po tayong estimated cost pa lang ito, sa infrastructure amounting to P2.401 million, in Region VI and Region X.” -Posadas
Sabi ng opisyal, mababa pa ang halagang ito lalo’t kasalukuyan pang rumiresponde ang mga otoridad sa mga sinalanta ng bagyo at habagat.
Lalo na aniya sa Central at Ilocos Region, na dinaanan ng Gener at dinadaanan ng Bagyong Helen.
“Kasi iyong iba pa po ay kasalukuyan pa pong nagreresponde lalo na po itong areas sa Central and then sa Ilocos Region po na kasalukuyan pong diyan po dumadaan iyong kalalabas lang po ni Gener, si Helen naman po ay diyan din dumadaan sa ngayon.” -Posadas | ulat ni Racquel Bayan