Nasa 2,500 manggagawang Pilipino ang magbi-benepisyo sa operasyon ng Saint Baker GIGA Factory na pinasinayaan sa Capas, Tarlac ngayong araw (September 30), na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“Mula noong ako’y umupo, naririnig niyo na akong nagsasalita tungkol sa batteries, tungkol sa EVs, sa electrical vehicles, tungkol sa renewables. Well, ito na ito. We actually managed to do it and with our partners from StB Giga and with the very strong alliance that we have with the government of Australia.” —Pangulong Marcos Jr.
Ang kumpaniyang ito ay kilala sa paggawa ng Lithium Iron Phosphate (LFP) batteries na kilala naman sa pagiging ligtas, episyente, at pangmatagalan.
Ito ang kauna-unahang kumpaniya sa Pilipinas na magpo-produce ng LFP batteries, na makakaambag sa mga hakbang ng Marcos Administration tungo sa layunin nitong maabot ang renewable energy goals ng bansa.
“To the entire team behind the StB Giga Factory, thank you for taking this leap of faith with us. You have established a foundation for a cleaner, greener, and more prosperous Bagong Pilipinas,” —Pangulong Marcos.
Ang inisyal na produksyon ng kumpaniya ay inaasahang nasa 300 megawatt-hour, o katumbas ng 6,000 electric vehicle batters o 60,000 na mga home battery system.
Sa taong 2030, inaasahan na aakyat sa two gigawatt-hour per year ang full production capacity ng kumpaniya.
Katumbas ito ng 18,000 EV batteries o 400,000 home battery systems.
Inaasahan na nasa P5 billion kada taon ang ipapasok ng kumpaniya sa local economy, mula sa business, mga supplier at partner ng kumpaniya na magbi-beneisyso rin sa operasyon.
“You know we are proud that we got it done. But I’m quite impressed with the StB Giga that they were able to do this in the short time that we had. Marso lang namin pinirmahan ito, nandito na anim na buwan. And look at the extent… this is only the first of three buildings.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan