Nasirang pipeline ng Maynilad sa Maynila, kinukumpuni na; Hanggang mamayang gabi na water interruption, posible

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan na ang ginagawang pagkumpuni ng Maynilad sa nasira nitong pipeline sa kahabaan ng Recto corner Delpan Avenue, Manila, na aksidenteng natamaan ng third-party contractor ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa Maynilad, kinailangan ang mabilisang pagkumpuni sa pipe dahil ito ang nagdadala ng tubig mula sa treatment plant sa Quezon City papunta sa mga customer sa south.

Dahil dito, nag-abiso ang Maynilad na pansamantalang makararanas ng pagkaantala ng tubig ang ilang lugar na sineserbisyuhan nito.

Kabilang sa apektado ang mga customer sa Manila, Makati, Pasay, Las Piñas, at Parañaque sa Metro Manila; at Cavite City, Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, at Rosario sa Cavite Province.

Alas-10 pa kagabi naapektuhan na ng water interruption ang mga customer ng Maynilad at posible pa itong magtagal hanggang mamayang alas-10 pa muli ng gabi.

Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng service interruption.

Magde-deploy din naman aniya ang Maynilad ng mobile water tankers upang mag-deliver ng malinis na tubig kung kinakailangan.

Sa oras namang bumalik na ang suplay ay magkaroon ng discoloration. Pinapayuhan ang mga customer na padaluyin muna ang tubig ng panandalian hanggang sa luminaw. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us