Umaasa si Deputy Minority Leader at Act Teachers Partytlist Rep. France Castro na agad na mareresolba ang problema ng mga kapatid na Manobo-Pulangihon indigenous cultural community sa Quezon, Bukidnon.
Sa plenary deliberation ng P1.5 billion na budget ng ng National Commission in Indigenous Peoples (NCIP), sinabi Castro na matagal na itong issue ng mga kapatid na Manobo dahil hindi sila makabalik sa kanilang ancestral home.
Maaalalang nag-isyu ang NCIP ng cease and desist order sa mga kumpanyang Kianteg Development Corporation (KDC) na ilegal na nanatili sa contested site.
Ayon sa NCIP, sa darating na October 15 nakatakda ang dialogue sa pagitan ng Kianteg at IPs.
Nag-commit din ang NCIP na tututukan nila ang isyung ito para protektahan ang karapatan ng mga IPs sa lugar. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes