Binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mahalagang papel ng Middle Class sa pagkamit ng pangmatagalang pag-unlad ng bansa.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang Middle Class ang pangunahing tagapagtaguyod ng ekonomiya tungo sa kaunlaran.
Sa kanyang talumpati sa 10th Annual Public Policy Conference, ipinaliwanag ni Balisacan na ang pagkakaroon ng malakas at matatag na Middle Class ay susi upang makamit ang AmBisyon Natin 2040.
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pandaigdigang megatrends tulad ng digitalization at climate action, mas mapapalakas pa ang Middle Class at mas mapapabilis ang pag-unlad ng bansa.
Samantala, naniniwala naman ang NEDA na malapit nang makamit ng Pilipinas ang inaasam na “Upper Middle-Income Country” status sa susunod na taon. | ulat ni Diane Lear