NEDA Board, inaprubahan ang pagsasama ng DA at DepEd bilang bagong mga miyembro nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ginanap na pagpupulong ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, inaprubahan ang pagsasama ng mga Kalihim ng Department of Agriculture (DA) at Department of Education (DepEd) bilang mga miyembro ng board.

Ang desisyong ito ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na siya ring Chairperson ng NEDA Board.

Layon ng hakbang na ito, na bigyang-diin ang mahalagang papel ng agrikultura at edukasyon sa pagkamit ng seguridad sa pagkain, at pagpapalakas ng labor force sa bansa.

Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng NEDA Board, inaasahan na magiging mas komprehensibo at epektibo ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang alinsunod sa  8-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us