Pinag-aaralan na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga legal option matapos pagmultahin ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Kinumpirma ng NGCP na kanila nang natanggap ang desisyon ng ERC noong Agosto 30, 2024.
Pinagbabayad ng Php 3.5 Million ang NGCP dahil sa pagkaantala ng 10 Capital Expenditure Projects o CAPEX Projects.
Malinaw umanong nalabag ng NGCP ang kautusan ng ERC.
Kabilang sa mga naantalang proyekto ang Balao-Kauswagan-Aurora 230 kv transmission line project ( Phase 2), (Kauswagan-Lala 230kv t/l project), Pagbilao EHV Substation Project, Antipolo EHV Substation, Tuy (Calaca-Dasmariñas) 500kv t/l Project, Cebu-Lapu-Lapu transmission project, Cebu-Negros-Panay 230kv Backbone Project Stage 3 at Tacurong-Kalamansig 69kv line.
Bukod dito, may hiwalay pang desisyon ang ilalabas ng ERC laban sa NGCP sa 27 pang CAPEX Project na kabilang din sa mga inimbistigahan.| ulat ni Rey Ferrer