Balik na sa normal ang operasyon ng Overall Command Center (OcMc) ng National Grid Corporation of the Philippines.
Ito ang tiniyak ng NGCP dahil wala nang banta ang bagyong Enteng sa mga pasilidad nito.
Gayunman, sinisiguro sa publiko ng pamunuan ng NGCP na patuloy pa ring nilang babantayan ang weather disturbances at handang i-activate ang OcMc sakaling magkaroon ng anumang banta sa transmission facilities .
Sa pagdaan ni bagyong Enteng na sinamahan ng Habagat, napanatili ng NGCP ang normal na operasyon ng mga transmission line at facilities nito.
Batay sa huling ulat ng PAGASA, si bagyong Enteng ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility. | ulat ni Rey Ferrer