Ibinigay na ng National Housing Authority (NHA) ang 100 housing units sa mga pamilyang katutubong Subanen sa Zamboanga del Norte.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang pabahay ay gawa sa semi-concrete na may kakayahang labanan ang mga natural na kalamidad.
Ang bagong komunidad ay mayroon na ring sanitation works, solar panel installation, at communal hand pump wells para sa kanilang pangangailangan.
Matatagpuan ito sa agricultural town ng Liloy na tinaguriang “Peanut Capital of Zamboanga del Norte.”
Ang Liloy Subanen IP Housing Project ay isa sa mga proyekto ng NHA sa ilalim ng Housing Assistance Program for Indigenous Peoples (IPs).
Ipinatupad ang programa sa pakikipagtulungan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), community leaders at local government unit.| ulat ni Rey Ferrer