Iiral pa rin ang Motor Vehicle Volume Reduction Program o mas kilala bilang number coding scheme ngayong araw.
Ito’y sa gitna ng ikinasang tigil-pasada ng mga grupong PISTON at MANIBELA sa isyu pa rin ng PUV Modernization Program.
Una nang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes na walang epekto kung ipatupad pa rin ang number coding kahit may tigil-pasada.
Sa katunayan, nakatutulong pa ito aniya sa pagbigat ng daloy ng trapiko lalo’t limitado pa rin ang galaw ng mga sasakyan lalo na iyong mga bawal lumabas ngayon.
Paalala ng MMDA, bawal lumabas ngayong araw ng Lunes ang mga plakang nagtatapos sa mga numerong 1 at 2. | ulat ni Jaymark Dagala