Inalerto ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residente malapit sa bulkang Kanlaon sa posibleng lahar flow.
Ito’y sa gitna ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkan kasabay ng nararanasang pag-ulan sa Visayas dulot ng habagat.
Sinabi ni OCD Director Ed Posadas na mahigpit na ang ginagawa nilang monitoring sa ipinapakitang aktibidad ng bulkan.
Nakikipag-ugnayan na rin ang kanilang tanggapan sa mga apektadong local government units para sa posibleng evacuation kung kinakailangan bukod sa iba pang tulong
Mula alas-12:00 ng madaling araw kahapon hanggang alas-12:00 ng madaling araw kanina ay nakapagtala pa ng limang volcanic earquake ang Kanlaon at bumuga ng 10,880 tonelada ng sulfur dioxide.
Hanggang ngayon ay nananatili pa ang pamamaga ng bulkan na posibleng magkaroon pa ng phreatic explosions. | ulat ni Rey Ferrer