Sa atas ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay tinutukan ni House Speaker Martin Romualdez ang agarang paglalabas ng calamity aid para sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Enteng sa Metro Manila at CALABARZON.
Tig-₱10 million na financial aid ang ipapamahagi sa 39 na Congressional district na apektado ng bagyo o kabuuang ₱390 million.
Magmumula ang tulong sa Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa pamamagitan nito, kada apektadong pamilya ay mapagkakalooban ng ₱10,000.
Aniya maliit lamang ang halagang ito ngunit umaasa silang makatutulong pa rin ito sa kanilang pagbangon mula sa bagyo.
Kinilala din ng House leader ang nga kasamahang mambabatas na mabilis na umaksyon para tumulong sa kanilang mga kababayan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes