Oil price hike, nakaamba bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na ang oil price hike bukas araw ng Martes, September 3, 2024.

Ayon sa kumpanyang UniOil, posibleng tumaas ng ₱0.20 sentimos ang kada litro ng presyo ng diesel.

Habang nasa ₱0.30 hanggang ₱0.50 sentimos naman ang asahang pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Para naman sa kerosene posibleng maglaro sa ₱0.30 sentimos hanggang ₱0.70 sentimos ang itaas sa kada litro nito.

Ayon sa Department of Energy (DOE) ang nasabing paggalaw ay bunsod ng patuloy na kaguluhan sa Middle East at pagbawas ng produksyon ng langis ng ilang oil producing countries. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us