Makakaasa ang publiko na magiging mabilis ang pagproseso ng Bureau of Customs (BOC) sa Balikbayan boxes, sa oras na lumapag na ang mga ito sa mga pantalan sa bansa.
Pahayag ito ni Finance Secretary Ralph Recto sa harap ng inaasahang pagbigat ng traffic sa mga kargamentong papasok sa bansa, habang nalalapit ang Pasko.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na sa kasalukuyan wala naman silang nararanasang problema sa mga pantalan.
Kung mayroon man aniya, agad nila itong pag-uusapan kasama ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC), upang matugunan.
“From what I know, we don’t have a problem right now as far as iyong mga balikbayan boxes are concerned. So iyan naman, logistics issues iyan. Basta dumating sa port, trade facilitation tayo dito, and for sure, we will get all those cargos out…. Kailangan maligaya ang Pasko nating lahat.” —Sec. Recto
Ayon sa kalihim, sila sa Department of Finance (DOF) at BOC, titiyakin na walang magiging problema sa kanilang panig at on time na makakalabas ng pantalan ang mga package ng publiko upang maging masaya ang Pasko ng mga Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan