Inihain ni Cebu Representative Pablo John Garcia ang isang panukalang batas na layong atasan ang mga pampubliko at pribadong tanggapan na kilalanin o tanggapin ang isang valid ID lamang para sa lahat ng transaksyon.
Ayon sa mambabatas, sa kabila ng Philippine Identification System at PhilSys ID ay marami pa ring hinihinging ID ang mga ahensya at pribadong establisimiyento.
Bagay aniya na pahirap sa publiko lalo na para sa mga walang oras o resources na mag-apply ng partikular na ID na hinahanap ng isang opisina.
“Despite the pronouncement concerning the objective of PhilSys, certain government agencies and private entities still require multiple forms of identification, practically meaning that each ID, standing alone, is invalid. This unduly burdens the public when such agencies can definitely ensure the integrity of their government-issued IDs and documents,” saad ni Garcia.
Batay sa House Bill 10973 o One Valid ID Law, nakalista ang 19 na uri ng identification na maaaring tanggapin bilang valid proof of identity.
Kabilang dito ang:
- Philippine Identification System (PhilSys) PhillD or PhilSys Digital ID or ePhillD;
- Philippine Passport;
- Driver’s License;
- Tax Identification Number (TIN) ID;
- Philippine Postal Corporation ID;
- Voter’s ID;
- Government Service Insurance System (GSIS) Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card;
- Social Security System (SSS) Card;
- PhilHealth ID;
- Professional Regulation Commission (PRC) ID;
- Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID;
- Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ID;
- Senior Citizen Card;
- Person-With-Disability (PWD) ID;
- Solo Parent ID;
- Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ID;
- Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID;
- Seafarers’ Identity Document (SID) at Seafarers’ Record Book (SRB);
- Alien Certificate of Registration (ACR) o Immigrant Certificate of Registration (ICR)
Maaari pa rin namang manghingi ang isang opisina ng karagdagang ID basta’t hindi ito hihigit sa isa.
Nasa ₱500,000 ang multang maaaring kaharapin ng tatanggi o hindi kikilala sa isang valid ID.
Ang mga gagamit naman ng government IDs para sa mapanlinlang na transaksyon o pineke ang ID ay mahaharap sa hanggang tatlong taong pagkakakulong at multa na ₱50,000 hanggang ₱3-million. | ulat ni Kathleen Jean Forbes