Pormal nang binakante ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta.
Ito ang inihayag ng kampo ni Dimalanta makaraang kumpirmahin nito na nakarating sa sa kanila ang impormasyon hinggil sa suspension order mula sa Office of the Ombudsman.
Kasunod nito, tiniyak ng kampo ng ERC Chair na mananatiling normal ang operasyon ng Komisyon sa kabila ng kawalang pinuno nito.
Bagaman wala pa silang kopya ng utos mula sa Ombudsman, minabuti na rin nilang bakantehin ang tanggapan bilang pagtalima rito.
Gayunman, wala pang pinapangalanan ang Palasyo ng Malakanyang hinggil sa kapalit ni Dimalanta. | ulat ni Jaymark Dagala