Siniguro ngayon ni Speaker Martin Romualdez sa mga sundalo ng AFP Southern Luzon Command na maipapasok sa tinatalakay na 2025 national budget ang dagdag sa kanilang subsistence allowance.
Sa ginanap na House of Representatives-AFP Southern Luzon Command fellowship sa Lucena, inanunsyo ng House leader na mula P150 ay magiging P350 na ang kanilang subsistence allowance simula sa susunod na taon
“Next year, expect to receive a higher daily subsistence allowance from your government. Mula P150 per day, dodoblehin natin ang daily subsistence allowance ninyo. Ang target natin, maitaas natin ito hanggang P350 per day,” saad ni Speaker Romualdez.
Salig aniya ito sa atas ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Batid aniya ng pamahalaan ang paghihirap at sakripisyo ng mga sundalo at kanilang pamilya.
Kaya naman hindi man namin aniya nila masuklian ang lahat ng ito sa ngayon, sisiguruhin nila sa Kamara na maipaabot ang tulong ng gobyerno para mabigyan ng ginhawa ang kanilang pamumuhay.
“Aabutin ng halos P15 bilyon ang kailangan para maibigay ang allowance na ito para sa lahat ng ating sundalo at miyembro ng Armed Forces. Pero bilang inyong Speaker, sisiguruhin ko na mailalagay ang pondong ito sa 2025 National Budget na tinatalakay namin ngayon alinsunod sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos,” sabi pa niya.
Kasabay ding ibinida ng House Speaker ang mga lehislasyon para sa isang sustainable pension system para sa veterans at military retirees.
Gayundin ang pagsuporta sa AFP Modernization program.
Makakaasa din aniya ng suporta mula kamara para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga inaurgency free na lugar.
Hiniling naman nito ang tulong ng mga lokal na opisyal uoang maiwasang magbalik pa ang armadong pakikibaka sa kanilang mga lugar.
“We in the House of Representatives are fully committed to supporting the peace-building efforts in recently cleared areas. To consolidate these gains, I will advocate for more infrastructure and barangay development projects, which are crucial for long-term stability,” aniya.| ulat ni Kathleen Forbes